Tumaas ng 56 na porsyento ang cybercrime ngayong taon.
Base sa datos ng PNP Anti-Cybercrime Group, kabuuang 847 ang naitalang cybercrime cases sa unang 11 buwan ng taong 2015.
Mas mababa ito kung ikukumpara sa 544 kaso noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga cybercrime complaints ay online scam, online libel, online threat, identity theft, photo and video voyeurism, hacking, robbery/extortion at marami pang iba.
Una rito, inihayag ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na nakikipagtulungan sila sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kabilang na ang NBI para masugpo ang cybercrime.
By Meann Tanbio