Isiniwalat ng isang opisyal ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na plano nilang bumuo ng isang cybersecurity training program kung saan maaaring maging katuwang nila ang ibang bansa.
Ayon kay TESDA officer in charge Rosanna Urdaneta, tututukan nila ang 5th Industrial Revolution na karamihan ay pumapatungkol o umiikot sa internet at computer software.
Gayunman, nilinaw ni Urdaneta na ang cybersecurity ay ‘multidisciplinary’ dahil kailangan ding pag-aralan ng mga estudyante ang phishing attacks at iba pa.
Sa kasalukuyan, iniaalok din ng TESDA ang ilang ICT-related courses tulad ng Broadband Installation, Cable TV Installation, Cable TV Operation & Maintenance, Game Programming, Telecom OSP & Subscriber Line Installation, Telecom OSP Installation o Fiber Optic Cable, Visual Graphic Design at Web Development.