Sinalakay ng Philippine National Police o PNP Anti-Cybercrime group ang isang cybersex den sa Maynila.
Nasagip sa rescue ang isang minor de edad na ginagamit upang magpakita ng mga hubad na larawan sa internet.
Sinabi ni Police Senior Superintendent Guillermo lorenzo Eleazar, Acting Director ng anti-cybercrime group na nalaman nila ang cybersex den sa tulong ng isang impormante.
Naaresto naman ang 5 suspek na pasimuno aniya sa cybersex den at lumabag sa cybercrime prevention act of 2012 at ng act against child abuse, exploitation and discrimination.
Nakumpiska rin ang 2 set ng desktop computers, laptops, sex toy at hair extension.
Kakasuhan ng mga otoridad ang mga nahuling suspek base sa kanilang mga nakumpiskang recorded activities.
By: Allan Francisco