Nananatiling si Senador Cynthia Villar ang pinakamayaman sa hanay ng mga senador, batay sa kanilang Statement of Asset Liabilities and Networth (SALN).
Mahigit sa P3.7-B ang idineklarang yaman ni Villar at wala itong idineklarang pagkakautang.
Isa ring bilyonaryo ang sumunod na pinakamayamang senador sa katauhan ni Senador Manny Pacquiao kung saan umabot sa mahigit P3-B ang iniulat nyang networth at P146-M na pagkakautang.
Nananatili namang pinakahirap na senador si Antonio Trillanes na may networth na mahigit P7.5-M na sinundan ni Senador Leila De Lima sa networth na mahigit sa P7.7-M.
Mahigit sa kalahating bilyong piso naman ang networth ng pangatlong pinakamayamang senador na si Ralph Recto.
Nasa mahigit P182-M hanggang mahigit P132-M naman ang networth nina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Edgardo Angara at JV Ejercito.
Ang mga may networth na mahigit sa P90-M ay sina Minority Leader Franklin Drilon, Sherwin Gatchalian at Grace Poe.
Sina Senador Bam Aquino, Panfilo Lacson, Koko Pimentel, Joel Villanueva at Gregorio Honasan ay mayroong networth na mula P45-M hanggang P25-M.
Samantala, nasa mula P10-M hanggang P16-M naman ang yaman nina Senador Francis Pangilinan, Risa Hontiveros at Francis Escudero.
with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)