Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang West Coast ng Cyprus sa Europe.
Ayon sa Geological Survey, namataan ang sentro ng lindol sa layong 48 kilometers West-Northwest sa bayan ng polis sa Meditteranean Island.
Naramdaman ang pagyanig sa Cyprus at sa paligid ng rehiyon na malayo sa Turkey, Israel at Lebanon.
Samantala, wala namang naiulat na nasaktan , nasawi at naging pinsala sa naturang lindol.