Inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa Department of Agriculture na tiyakin ang mabilis na paghahatid ng lahat ng uri ng suporta para sa mga magsasaka upang maiwasan ang anumang pagkaantala ngayong “planting season.”
Ipinag-utos din ni pangulong marcos sa Department of Budget and Management na iprayoridad ang agriculture sector at tiyakin ang napapanahong budgetary support.
Sa panig naman ng D.A., binigyang-diin nito na sa pamamagitan ng tamang tulong sa ‘pataba, de-kalidad na binhi at teknolohiya’, maaaring palakasin ng mga magsasaka at gawing mahusay ang kanilang pagiging produktibo.
Mahalaga anila ang napapanahong pamamahagi ng binhi at fertilizers upang maiwasan ang mga pagkaantala at mapalawak o mapalaki ang potensyal na ani.