Inihahanda na ng Department of Agriculture ang paglalagay ng mga Kadiwa sites sa mga lugar na naapektuhan ng super typhoon Pepito.
Ito ayon sa DA, upang maging accessible sa mga biktima ng bagyo ang murang agricultural commodities.
Sinabi naman ni Agriculture Spokesman at Assistant Secretary Arnel De Mesa, na nakikipag-ugnayan na sila sa regional field offices upang ipaabot ang tulong sa mga lugar at lagyan na ng kadiwa satellites.
Gayunman, mananatili pa rin anyang mataas ang ilang presyo ng gulay partikular na ang low-land vegetables dahil sa patuloy na pagpasok ng bagyo sa bansa. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo