Muling tiniyak ng Department of Agriculture o D.A na walang dapat ipangamba ang publiko sa pagbili at pagkain ng karne ng baboy.
Ito ay sa kabila ng idineklarang African Swine Fever outbreak sa ilang barangay sa San Mateo, Antipolo at Rodriguez sa Rizal at Guiguinto, Bulacan.
Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, kailangan lamang tiyakin ng mga mamimili na may tatak ng NMIS o National Meat Inspection Service ang bibilhin nilang karneng baboy.
Muli ring iginiit ni Reyes na hindi naililipat sa tao ang ASF virus at tanging sa mga baboy lamang.
“Hanapin lamang po ang seal ng National Meat Inspection Service. Makikita po yan sa pige, kulay violet po yan. Meron hong certificate doon ay NMIS certificate na sinasabing that this establishment or stall is selling good pork na dumaan sa NMIS so safe po yan. Safe pong kumain ng baboy,” ani Reyes — sa panayam ng On the Go