Plano ng Department of Agriculture na mag-angkat ng sibuyas sa ikalawang linggo ng Disyembre.
Ito ang inihayag ni D.A. deputy spokesperson Rex Estoperez sa gitna nang patuloy na pagsipa ng presyo ng pulang sibuyas sa mga pamilihan.
Ayon kay Estoperez, hindi na makatarungang umabot sa P400.00 ang kada kilo ng red onion.
Nagtuturuan na anya ang mga retailer at dealer kung bakit napakataas at naka-i-iyak na ang presyo ng sibuyas.
Samantala, ipinasasapubliko ng D.A. sa mga retailer at dealer kung saan nanggagaling ang sibuyas at dapat may ebidensiya sa paratang na may nagaganap na smuggling ng naturang produkto sa bansa.