Siniguro ng Department of Agriculture na ang suhestiyon ng National Price Coordinating Council na magdeklara ng food emergency ay para lamang sa bigas at hindi sa lahat ng basic commodities sa merkado.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary for High Valued Crops, Sagip Saka and intellectual Property Deputy Spokesperson Atty. Joycel Panlilio, tiniyak niya na ang food emergency ay para ma-release na ang mga stocks sa mga warehouses ng national food authority at hindi naman aniya ito maaapektuhan ang ilang mga common goods na binibili ng merkado sa mga pamilihan.
Aniya, mayroon din kapangyarihan ang NPCC na maganunsyo ng food security emergency sa iba pang mga basic goods kung may makikitang iregularidad gaya ng illegal price manipulation o extraordinary increase sa mga presyo nito.
Samantala, patuloy naman na naghihintay ang panig ng da para sa pagdating ng resolution tungkol sa deklarasyon ng food emergency for rice. – Sa panulat ni Jeraline Doinog