Tiniyak ng Department of Agriculture na kontrolado at contained na ang mga lugar na unang idineklarang nagkaroon ng outbreak ng ASF o African Swine Fever.
Partikular na ang Barangay Pritil sa Guiguinto, Bulacan at ilang mga barangay sa Rodriguez, Antipolo at San Mateo sa Rizal.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, hindi na nila inaasahang kakalat pa ang ASF virus na natuklasan sa Bulacan at Rizal.
Batay sa talaan ng D.A, halos 7,500 mga alagang baboy na ang kanilang na-depopulate at pinatay mula sa mga naipasara at nilinis nang mga babuyan sa mga nabanggit na lalawigan.
Samantala, binigyang diin naman ni Agriculture Spokesman Noel Reyes na patuloy ang kanilang ipinatutupad na quarantine measures sa mga lugar na naapektuhan ng ASF kasabay ng babala laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon hinggil dito.
“Tapos na yung episode doon sa tatlong bayana na yun , sa Rizal at sa Guiguinto, Bulacan. Ang pinaiigting naman ay yung quarantine measures para hindi kumalat at yung mga nagtatapon ng patay ng baboy sa Marikina river, sa creek sa Quezon City, irresponsible po yun at sila ay papatawan ng penalty o pagkakakulong kung sino man yung gumawa nun,” ani Reyes. — sa panayam ng On the Go.