Nadagdagan pa ang agricultural products na pinatawan ng suggested retail price (SRP).
Kasunod na rin ito ayon sa Department of Agriculture (DA) nang pagtaas ng presyo ng mga produkto sa mga pamilihan mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.
Kabilang sa updated SRP ang bangus na nasa P162.00 kada kilo, tilapya P120.00 kada kilo, pigue/kasim P190.00 kada kilo, manok P130.00 kada kilo, asukal na puti P50.00/kada kilo
Samantala sa bigas, ang special kada kilo ay P53.00, premium P45.00 kada kilo, well milled rice P40.00 kada kilo at regular P33.00 kada kilo.
Ang pork liempo P225.00 kada kilo, itlog P6.50 kada piraso at mantika na 30ml P24.00 at 1 liter P50.00.
Iginiit muli ni Agriculture Secretary William Dar ang tungkulin ng price coordinating council sa bawat lungsod o bayan na bantayan ang mga presyo sa kanilang nasasakupan.
Kasabay nito tiniyak ni Dar na sapat ang supply ng bigas sa bansa.