Aminado ang Department of Agriculture (DA) na nagkukulang narin ang suplay ng bawang sa bansa.
Ayon sa DA, inaasahang papalo sa 63,000 metric tons ng bawang ang posibleng kulangin ngayong taon.
Sa naging pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, sinabi ng ahensya na ang kabuuang suplay ng bawang sa bansa ngayong taon ay nasa 82,950 metrictons.
Sa datos ng ahensya, nasa 4,817 metric tons ang lokal na produksyon habang aabot sa 78,132 metric tons ang inangkat ng bansa at kabuuang 146,850 metric tons naman ang demand o kailangan na bawang sa bansa.