Aminado ang Department of Agriculture na nagkulang sila sa resource mobilization at nagkamali sa projection, lalo sa issue ng supply at demand ng sibuyas na naka-apekto sa presyo sa mga pamilihan.
Tugon ito ni DA Deputy Spokesman, Assistant Secretary Rex Estoperez sa harap ng mga batikos sa kanilang hakbang na mag-angkat ng 21,000 metric tons ng sibuyas.
Kino-konsulta anya nila ang stakeholders, partikular ang mga magsasaka, sa pagpapasya na mag-import o magpatupad ng calibrated importation upang mapababa ang presyo at mga hakbang kontra smuggling.
Nanawagan naman si Estoperez sa publiko na iwasang magturuan o manisi, bagkus ay dapat magtulungan ang lahat upang maresolba ang problema.