Aprubado na ng Department of Agriculture (DA) ang distribusyon ng 70% o 140,000 metric tons ng imported na baboy upang mapunan ang manipis na supply ng karne.
Ayon sa DA, magsisimulang dumating ang meat supply sa Hulyo hanggang Oktubre.
Darating naman ang ikalawang buhos ng karne na 30 percent o aabutin ng 60,000 metric tons simula Nobyembre hanggang Enero ng susunod na taon.
Layunin ng hakbang na makapagbigay ng sapat na supply ng pagkain sa mga consumer at mapababa ang inflation.