Paiigtingin ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang research and development activities upang matugunan ang pre-existing o dating problema sa produksyon ng asin sa bansa.
Para makamit ito, sinabi ng DA na titingnan nila ang posibleng expansion ng production areas ng asin, pagpapabuti ng mga teknolohiya gaya ng evaporation system at ang paggamit ng iba’t ibang makinarya upang mapabilis ang paggawa ng nabanggit na produkto.
Magbibigay ng technical assistance ang BFAR sa mga gumagawa ng asin.
Samantala, makikipag-ugnayan ang mga nasabing ahensya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa naturang usapin.