Nakikipag-ugnayan na ang Department of Agriculture (DA) sa Bureau of Customs (BOC) upang matukoy ang mga posibleng kaso ng smuggling ng puti o dilaw na sibuyas na ibinebenta sa mga palengke.
Ito’y sa kabila ng kawalan o kakulangan umano ng lokal na supply simula noong Hulyo maging ng imported onion.
Tiniyak ni DA Spokesperson at Assistant Secretary for Consumer Affairs Kristine Evangelista na sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry (BPI), ay nagsasagawa na sila ng imbestigasyon.
Nakapagtataka anyang naibebenta sa mga pamilihan ang mga white o yellow onion gayong wala namang importation permits.
Patuloy ding iinspeksyunin ng BPI ang mga palengke upang matunton ang mga smuggled na sibuyas.