Magkakasa ng inspection ang mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Plant Industry (BPI) sa mga warehouse sa bansa kaugnay sa isyu ng garlic hoarding.
Kasunod ito ng pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na posibleng may nagaganap na ugnayan sa pagitan ng mga grupo ng traders at hoarders hinggil sa agri products na nagsitaasan ang presyo partikular na ang nangyayari ngayon sa bawang.
Naniniwala ang mga mambabatas na posibleng mayroong mga nakaimbak na bawang sa mga warehouse dahilan kaya tumataas ang presyo nito sa merkado.
Batay sa ulat, posibleng umanong umabot ng hanggang P400 ang magiging presyo ng bawang kada kilo.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ng DA at BPI ang pagbisita sa mga warehouse para alamin ang sitwasyon ng agricultural products.