Nagpapatuloy ang mabuting ugnayan ng Department of Agriculture (DA) at Caritas Philippines hinggil sa iba’t ibang programa ng gobyerno para matulungan ang mga magsasaka, mangingisda at manggagawa ng kanayunan.
Nilagdaan nina D.A Senior Undersecretary Domingo Panganiban at Caritas Philippine National Director Most. Rev. Jose Colin Bagaforo ang Memorandum of Understanding (MOU) ukol dito.
Sa pamamagitan ng MOU, natukoy ang mga potential beneficiary ng proyekto ng DA kabilang na ang kadiwa, Special Area for Agricultural Development (SAAD), paglulunsad ng mga pagsasanay, at maraming pang iba. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon