Pinagtibay pa ng Department of Agriculture (DA) at ng Japan ang kanilang samahan para sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas.
Sa naganap na coutesy call sa pagitan ng DA at Japan International Cooperation Agency (JICA), ipinaabot ng huli ang suporta nito sa mga programa ng DA.
Tinalakay din sa courtesy call ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng diskarte ng pilipinas at japan sa mga programang pang-agrikultura.
Gayundin ang iba pang mga programa sa pagitan ng JICA at DA sa imprastraktura, capacity-building para sa mga magsasaka at kooperatiba, food terminal systems, scholarship opportunities, research and development, at pakikilahok ng mga pribadong sektor.
Sa kasalukuyan, may nagpapatuloy na proyekto ang DA at JICA na may parehas na layunin para sa sektor ng agrikultura. – sa panulat ni Abby Malanday