Namahagi ng tig-limanlibong cash grants para sa mga rice farmers ang Department of Agriculture (DA) katuwang ang Land Bank of the Philippines (Land Bank) sa ilalim ng programang kick-off of the Rice Competitiveness Enhancement Fund-rice Farmer Financial Assistance (RCEF-RFFA) sa Nueva Ecija.
Layunin ng naturang programa na maibigay ang unconditional cash assistance sa mga registered rice farmers na mayroong landholding na dalawang ektarya pababa alinsunod sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law (RTL).
Sa ngayon, may kabuuang 238 farmer-beneficiaries na mula sa kabuuang 41,811 eligible rice farmers sa Nueva Ecija ang nakatanggap ng tig-P5,000 sa pamamagitan ng nabanggit na bangko.—sa panulat ni Angelica Doctolero