Nakikipag-ugnayan na ang Department of Agriculture (DA) sa mga local government units (LGUs) para pigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) at tulungan ang mga magsasaka sa gitna ng mataas na presyo ng mga fertilizers.
Ayon kay DA Secretary William Dar, nagsagawa rin ang departamento ng Hog Re-Population Program, na nagbibigay ng 14,571 sentinel pig sa 5,638 farmer-beneficiaries mula noong nakaraang taon.
Dagdag pa ni Dar, na isinusulong ng ahensya ang pagpapatupad ng ordinansa para ma-institutionalize ang Bantay ASF sa Barangay (BaBay ASF).
Samantala, sinabi ni Dar na namahagi ang DA ng 669,942 bags ng fertilizers sa 207,394 na magsasaka sa Regions 4A, 9, 10, 11, 12, 13, at Cordillera Administrative Region (CAR), para matulungan ang mga magsasaka sa gitna ng mataas na presyo ng mga pataba. —sa panulat ni Kim Gomez