Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba sa hog industry kaugnay sa banta ng African Swine Flu (ASF) sa bansa.
Ayon kay DA secretary William Dar, bagamat nananatili ang banta ng ASF ay kontrolado na nila ang sitwasyon lalo na sa mga lugar ng Rizal at Guiguinto, Bulacan na kabilang sa mga lugar na naapektuhan ang mga pig farms.
Nandiyan pa rin ‘yung banta ng ASF, pero kontrolado na ‘yung mga areas, dito sa Rizal at sa Guiguinto, Bulacan,” ani Dar.
Tiniyak din ni Dar ang pagbibigay ng P3,000 halaga ng ayuda o aniya’y cash assistance sa bawat baboy na kinakatay o kabilang sa depopulation.
Magkakaloob din aniya sila ng mga biik sa mga apektadong pig farms oras na matiyak na wala nang banta ng naturang sakit sa isang lugar.
‘Pag walang-wala ng sakit sa lugar ay magbibigay kami ng biik para mapag-umpisa ng mga backyard raiser,” ani Dar.
Paglilinaw pa ni Dar, bagamat walang direktang epekto sa tao ang naturang sakit ay maaari naman aniya sila maging “carrier” ng ASF.
Human beings can be carrier [of ASF], basta nakadapo sayo, sa kamay mo, sa saptaos mo, ‘yung pathogens, you can spread that to other areas, lalo na sa mga baboy, susceptible po sila dito,” ani Dar.
Samantala, nagpaalala naman si Dar sa mga magbababoy na huwag nang mag-“swill feeding” o huwag nang pakainin ng “waste” o mga basura o tira-tirang pagkain na galing sa mga hotels at establisyimento ang kanilang mga alagang baboy dahil isa ito sa pinanggagalingan ng African Swine Flu.
(Ratsada Balita Interview)