Pinaigting pa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabantay sa West Philippine Sea (WPS).
Sa inilabas na pahayag ng DA-BFAR, namataan pa rin na nagsasagawa ang China ng fishing operations sa naturang lugar kung saan ito’y maituturing na iligal dahil walang pahintulot mula sa gobyerno.
Samantala, lumagda ng Memorandum of Understanding ang BFAR at Philippine National Police Maritime Group kaugnay sa pagpapaigting ng pagpapatrolya sa lugar. —sa panulat ni Airiam Sancho