Tila bigo ang Pilipinas na maabot ang bird flu free status ngayong Kapaskuhan.
Kasunod na rin ito nang naitalang panibagong outbreak ng avian influenza o bird flu sa Cabiao, Nueva Ecija.
Ito ay bago pa man ang target date na December 20 kung kailan inaasahang matatapos ang disinfection process sa mga apektadong lugar.
Kabilang sa mga pamantayan ng World Organization for Animal Health ang 90-day disinfection process para maideklarang bird flu free ang isang bansa.
Kinumpirma ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang nasabing kaso ng bird flu ilang araw matapos katayin ang mahigit 40,000 ibon sa Nueva Ecija.
Tiniyak naman ni Piñol na walang dapat ipag-panic ang publiko dahil kumikilos na ang mga awtoridad para resolbahin ito.
—-