Mayroon na lamang hanggang bukas, Enero a – 13, ang Department of Agriculture (DA) upang ipaliwanag ang umano’y sabwatan, price manipulation at ilalargang importasyon ng sibuyas sa kabila ng papalapit na anihan.
Ang deadline ay resulta ng pagtanggap ng DA sa utos ng Office of the Ombudsman para sa pagsisimula ng fact-finding investigation sa mga sinasabing anomalya.
Nilagdaan naman ni Graft Investigation and Prosecution Officers Winston Oscaris, Albert Leynes at Ryan Silvestre ang nasabing kautusan.
Ang naturang order ay natanggap naman ng DA nito lamang Martes, Enero a – 10. – sa panulat ni Hannah Oledan