Nilinaw ni Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry Director Reildrin Morales na Enero pa nagsimula ang outbreak ng bird flu.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni morales na nai-report na rin ito sa World Organization for Animal Health.
So, the moment po na nagreport tayo niyan, we already reported na meron tayong case, technically yun ay kahit isang kaso lang, outbreak na po yan dahil ang Pilipinas ay Avian-Influenza Free , so kahit isang ibon lang ang magkaroon satin niyan, magkaroon tayo ng detection confirm sa laboratory, it is considered an outbreak
Sa ngayon, mayroon ng 45 cases ng naturang flu.
Nagsimula ito sa Baliuag Bulacan, sa Candava, sa Pampanga at mayroon po tayong kaso sa Nueva Ecija, sa Sultan Kudarat , sa ating pagaaral, ang nakikita natin na pinanggalingan nito ay ang migratory birds,mahigit 60 na ang ibinan natin dahil sa kaso nila ng birdflu globally, andyan ang kasalukuyang banta ng H5N1
– sa panulat ni Airiam Sancho