Itinanggi ng Department of Agriculture (DA) Calabarzon ang di umano’y hindi nila pagsunod sa protocol sa pagpatay ng mga baboy sa Antipolo, Rizal na hinihinalang carrier ng virus.
Iginiit ni Agriculture Calabarzon Director Arnel De Mesa na sumusunod sila sa protocol ng DA tulad ng paglalagay muna sa mga baboy sa staging ground bago patayin ng mga pulis.
Una rito, inireklamo ng ilang magbababoy na inilibing ng buhay ang kanilang mga baboy matapos isako at ang iba ay pinitpit muna ng back hoe.
Una nang nangako si Agriculture Secretary William Dar na pinagsabihan na nya ang mga nasa ground zero (0) hinggil sa protocol na pagdepopulate hanggang sa malibing.
Tatanggap rin anya ng tig-P3, 000 ang mga nawalan ng baboy at mga biik.