Nanindigan si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na ang desisyon ng departamento na mag-import ng asukal ay batay sa datos sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay DAR, batay sa pagkonsumo noong 2020 at 2021, ang average na buwanang pag-withdraw ng refined sugar ay nasa 82,562 metric tons. At kung walang importansyon, mayroon lamang balanse ang bansa na 54,355 metric tons.
Matatandaang, kinuwestiyon ang DA sa plano nitong pag-angkat ng asukal. Kung saan, naglabas din ang korte ng pansamantalang restraining order laban sa pag-aangkat.
Gayunpaman, sinabi ng opisyal, na ang gobyerno ay nag-aangkat lamang ng “refined sugar” at kung walang importasyon, ang balanse ng asukal sa bansa ay mas mababa kaysa sa kinakailangan para sa pagkonsumo. – sa panulat ni Kim Gomez