Desidido ang Agriculture Department na matamo ng bansa ang rice self sufficiency.
Ayon kay Piñol, target nilang i-expand ang mga taniman ng palay sa isang milyong ektarya.
Sa pamamagitan ng rice productivity enhancement program ng DA, umaasa si Piñol na tataas na ang rice output sa bansa.
Sa ilalim ng programa, magkakaroon ng pag-review sa water management at irrigation policies… at magkakaroon ng nationwide na soil analysis upang mapagbuti ang rice farming technology sa bansa.
By Ralph Obina