Nakatakdang pumirma ng isang kasunduan ang Department of Agriculture (DA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa lagay ng mga magsasaka sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, lalamanin ng memorandum of agreement (MOA) ng dalawang ahensya ang pagbili ng palay ng DSWD mula sa mga lokal na magsasaka.
Aniya, target ng kasunduan na gawing pabigas na lamang ang kasalukuyang P600 na rice subsidy na tinatanggap ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).
Dagdag pa ng kalihim, naghahanda na raw ang ahensya sa pagpirma ng naturang kasunduan upang agad na itong masimulan sa susunod na buwan.
Matatandaang dumadaing na ang ilang magsasaka dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa.