Nakahandang gamitan ng police power ng Department of Agriculture (DA) ang mga magbababoy na tumatangging makipagtulungan sa DA para makontrol ang pagkalat ng African Swine Flu (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ipauubaya muna nila sa mga local government units hanggang sa barangay captains ang pakikipag-usap sa mga magbababoy na tumatangging patayin ang kanilang mga baboy na apektado ng sakit.
Sakali anyang mabigo ang naturang hakbang ay gagamitin na nila ang police power ng pamahalaan upang mailigtas ang industriya ng pagba-baboy.
Samanta, kinumpirma ni Dar na tinanggap na nila ang alok na tulong ng Food and Agriculture Organization ng Amerika.
Nakatakda anyang magpadala ang organisasyon ng mga eksperto sa ASF.
Sinabi ni Dar na bagamat kontrolado na nila ang ASF sa bansa, mas makakabuti pa rin kung may mga karagdagang eksperto at teknolohiya upang tugunan ang problema.