Bukas ang Department of Agriculture (DA) na tulungan ang mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) na mapapauwi bunsod ng sigalot sa pagitan ng Amerika at mga bansa sa gitnang silangan.
Sa panayam ng DWIZ kay Agriculture Secretary William Dar, maaaring maka-utang ang mga distressed OFWs sa kagawaran ng P15-milyon hanggang P25-milyon.
Binigyang diin pa ng kalihim, ito aniya’y sa ilalim ng pinalawig na micro and small agri-business loan program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Ayon sa kalihim, magandang panimula aniya ito para sa mga distressed OFWs para magamit sa anumang mga negosyong may kinalaman sa agrikultura at pangisdaan.
Dagdag pa ng kalihim, ang OFWs emergency loan ay ipapautang nang walang interes at maaring bayaran sa loob ng limang taon.
Para sa mga interesadong OFWs at kanilang mga kaanak ay maaring tumawag sa DA-ACPC hotline na (02) 8-636.3392 o kaya ay sa cellphone number 09175153392 at hanapin si Noel Clarence Ducusin at 8-636 3390 at cellphone number 09498812991 at hanapin naman si Joel Matira.