Hinikayat ni House Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas ang Department of Agriculture (DA) na tumulong sa mga community pantries sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Vargas, malaki ang maitutulong ng ahensya sa mga organizer ng community pantry na ito dahil maaari silang makabili ng iba’t ibang produkto mula sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.
Ilan aniya sa maaaring mabili ng mga community pantry ay bigas, gulay, prutas, karne, isda at iba pang pagkain.
Ani Vargas, maliban sa nakatulong na ang DA sa mga community pantry, nakatulong pa ang mga ito sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.