Hinimok ng Department of Agriculture (DA) ang mga backyard at malalaking commercial hog raisers o magbababoy na kumuha ng insurance package.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, layun nitong matiyak na makababawi ang mga magbabababoy sakaling tamaan ng African Swine Fever (ASF) ang kanilang hog farms.
Aniya, matibay na seguridad at proteksyon sa investment ng isang mangangalakal ang maibibigay ng insurance.
Dagdag ni Dar, dapat na samantalahin ng mga hog raisers ang libreng livestock insurance na iniaalok ng Philippine Crop Insurance Corporation ng DA kung saan sakop ang ASF.