Nanawagan si Senator Imee Marcos sa Department of Agriculture (DA) na bilisan ang paglalabas ng P8-B subsidiya ng gobyerno para sa mga magsasaka, lalo na sa panahon ng pagtatanim.
Sinabi ito ni Marcos matapos na magreklamo ang mga rice farmer sa kanyang tanggapan tungkol sa naantalang P5,000 ayuda.
Giit niya, huwag nang i-time deposit ang pondo dahil hindi naman ito para tumubo ng interes sa bangko.
Nagbabala naman ang senador na magdudulot ng mababang ani at food shortage kung hindi magagamit ng mga magsasaka ang subsidiya para bumili ng pataba at iba pang gamit sa sakahan.