Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng bagong istratehiya upang tugunan ang mataas na presyo ng bigas.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, isa aniya sa maaaring gawin ng DA, bigyan lamang ng permit para makapag-import ang traders na kayang magbenta ng bigas ng direkta sa mga mamamayan at hindi na dadaan pa sa middle man na nagpapatong din sa presyo.
Dahil dito ay posible na umano na makapagbenta ng bigas mula sa mga inaangkat na bigas sa halagang P38 kada kilo.
Sinabi ni Lopez na parehong istratehiya din ang plano nilang gawin sa asukal upang maibenta naman sa halagang P50 kada kilo.