Nakatakdang ianunsiyo ng Department of Agriculture ang suggested retail price sa presyo ng karne ng baboy ngayong holiday season.
Ayon kay DA Secretary William Dar, tumaas ang presyo sa mga feeds o pagkain ng mga baboy ngayong buwan.
Bukod pa dito, nagkukulang parin sa suplay ng mga karne ng baboy dahil parin sa problema sa african swine fever.
Dagdag pa ni Dar, layunin ng kanilang ahensya na mapigilan ang inaasahang pagtaas sa presyo ng nasabing karne.
Sa ngayon, may ilang pamilihan na ang nagtaas ng higit kumulang P40 sa kada kilo ng kasim kung saan naglalaro na sa P320 hanggang P340 ang kada kilo ng karne mula sa dating P255. —sa panulat ni Angelica Doctolero