Idinepensa ng Department of Agriculture ang ginagawa nitong pag-iikot sa mga hog farms sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ito ay matapos na sabihin ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na maituturing na panghaharass ang pagtungo ng DA sa mga babuyan.
Ayon Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, nag-iikot sila sa mga babuyan para maghanap ng surplus na baboy na maaaring maipadala sa Metro Manila.
Wala aniyang ginagawang harassment ang kagawaran laban sa mga hog-raisers.
Samantala, binanggit naman ni Reyes na may naipadala na silang listahan ng mga hinihinalang pork profiteers o nananamantala sa NBI, DOJ at DTI para maimbestigahan.
Tiniyak din ni Reyes na sasampahan ng kaso ang nabanggit na profiteers matapos na makumpleto ang mga kinakalap na ebidensiya laban sa mga ito.