Ikinatuwa ng Department of Agriculture (DA) ang pag-apruba ng Commission on Election (COMELEC) na i-exempt ang fuel subsidy program mula sa Campaign Spending Ban kasabay ng 2022 Elections.
Sinabi ni DA Assistant Secretary William Dar na ngayong wala nang restrictions ay maayudahan na nila ang libo-libong magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhan ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Nabatid na may kabuuang 158,000 na magsasaka at mangingisda ang makikinabang sa 1.1 billion pesos na fuel subsidy.