Nakikipagtulungan na ang Department of Agriculture (DA) sa Landbank of the Philippines para mapabilis ang pagproseso at pagpapalabas ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Program.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, aabot sa 5,000 piso ang halaga ng cash aid na matatanggap ng mga magsasakang kwalipikado bilang bahagi ng implementasyon ng Rice Tariffication Law sa bansa.
Siniguro ng Landbank of the Philippines ang ayudang ipapamahagi sa mga magsasakang benepisyaryo at para mapabilis ang disbursement ng kanilang mga subsidy.
Sisimulan ang pamamahagi ng ayuda sa Setyembre 7 bilang kompensasyon, sa mga magsasaka ng palay upang mabawasan ang pagkawala ng kita dahil sa pagbaba ng presyo ng palay.