Ipatatawag ng Department of Agriculture (DA) ang mga regional directors ng kagawaran sa Visayas gayundin sa Mindanao ngayong papasok na Linggo.
Ito’y ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Dir. Ronnie Domingo ay bilang bahagi ng kanilang malawakang pagtutok sa pagpasok ng African Swine Fever (ASF) na nakapinsala sa sektor ng pagbababoy sa Pilipinas.
Binigyang diin ni Domingo, mahigpit nilang tinututukan ngayon ang ilang lugar sa Luzon partikular na ang Rodriguez at Antipolo sa Rizal gayundin ang Guiguinto sa Bulacan na sinasabing unang naapektuhan ng ASF.
Sakaling mapatunayan na ASF nga ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga baboy sa maraming lugar sa Luzon, sinabi ni Domingo na maituturing na aniya itong isang outbreak na nangangailangan ng agarang aksyon.