Ipinagbawal na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng manok at ibang pang poultry products mula sa Bansang Japan, Hungary at California bunsod ng bird flu.
Ayon kay Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, pansamantalang bawal ang mga domestic at wild birds kabilang ang mga poultry meat, day old chicks at itlog.
Ito ay batay sa ulat na isinumite ng Japan Ministry of Agriculture sa World Organization for Animal Health (WOAH) na nagkaroon ng outbreaks na Avian Influenza Virus sa Kurashiki City.
Kailangan na anya na pigilan ang pagpasok ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) virus upang protektado ang populasyon ng manok sa bansa.
Suspendido naman ang pagproseso at pag-isyu ng Sanitary and Phytosanitary (SPS) import clearance.