Magsasanib-puwersa na ang Department of Agriculture at Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa implementasyon ng isang improved vegetable value chain project.
Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagsisilbi ring kalihim ng kagawaran, na makamit ang food security.
Ayon sa DA., layunin ng Market-Driven Enhancement of Vegetable Value Chain (MV2C), katuwang ang JICA, na isulong ang “higher yield and income” para sa mga magsasaka at makamit ang food security, availability, accessibility at affordability sa bawat Pinoy.
Sa loob ng limang taon, bubuuin ang isang vegetable value chain roadmap, na tutukoy sa mga hamon at solusyon sa value chain.
Lumarga ang nasabing proyekto kasabay ng isang value chain survey sa ilang vegetable-producing provinces, gaya ng Benguet at Quezon, kung saan inaasahang ipatutupad ang MV2C pilot programs.