Kailangan ng Department of Agriculture ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para matukoy kung sinu-sino ang mga sangkot sa price manipulation kaya’t sobrang mataas ang presyo ng baboy, manok at gulay.
Ayon ito kay senate committee on trade and industry chairman Aquilino Koko Pimentel III, dahil na-modernize na ang NBI sa tulong ng kongreso.
Sinabi ni Pimentel na sakaling mapatunayang may nagmamanipula nga sa presyo, dapat parusahan ang mga ito sa ilalim ng batas at kumpiskahin ang kanilang mga paninda.
Nakakabahala aniyang sa panahon ng krisis at maraming hirap sa buhay dulot ng pandemya ay masasabayan pa ng sobrang pagtaas ng presyo ng bilihin. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)