Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang pagkamatay ng mga baboy sa ilang mga lugar sa bansa dahil sa hindi pa matukoy na animal disease.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nasa 2% ang mortality rate beyond normal ang naitala ng DA sa ilang hindi tinukoy na lugar.
Naging maingat naman ang ahensiya sa pagtukoy ng sakit ng mga baboy dahil hihintayin pa umano ang confirmatory test na manggagaling sa international laboratories na posibleng tumagal pa sa loob ng dalawang linggo hanggang tatlong buwan.
We will not now mention when because of the containment and control of the suspected animal disease is under weight and we don’t want people to go to those areas , so that your government can work,” ani Dar.
Sa ngayon ay inilagay muna sa quarantine ang mga lugar na may namatay na baboy.
Kung ano po yung suspected na may disease ay kina-cull out, bina-vary at dini-disinfect yung lugar,” ani Dar.
Batay naman sa pagtukoy ng ilang mga backyard farmer, nagkaroon ng itim na pantal sa buong katawan at may pagdurugo bago nanamlay at tuluyang namatay ang mga baboy.