Kinumpirma na ng Department of Agriculture (DA) ang malawakang shortage ng Patatas sa mundo na pangunahing sangkap sa French fries.
Ayon kay Agriculture Secretary Kristine Evangelista, ramdam ang epekto nito sa mga Fast Food chain sa bansa.
Nabatid na ilang Fast Food chain na ang nagpatupad ng limitasyon sa kanilang French fries at inalis na rin ang malakihang serving nito.
Tanging table potatoes o mga pang-ulam ang itinatanim ng mga magsasakang Pilipino, na hindi naman makatutulong sa problema sa kakulangan ng supply.
Sa huling tala, tumaas na rin ang presyo ng patatas sa Metro Manila na aabot na sa P70 kada kilo mula sa dating P40 hanggang P50.