Umabot na umano sa 300 piso ang kada kilo ng galunggong.
Dahil dito, ilang mga retailers ng isda ang umiiwas na lamang munang magbenta ng galunggong dahil sa mataas na presyo nito.
Maliban sa galunggong, mataas na rin ang presyo ng dalagang bukid, salmon, tilapia at bangus .
Agad na kumilos ang Dept of Agriculture (D.A) upang matugunan ang mataas na presyo ng isda sa pamilihan.
Inaprubahan ng ahensya ang pag angkat ng 45,000 metriko tonelada ng iba’t ibang klase ng isda kasama na ang galunggong.
Ayon kay Agriculture Asst. Secretary Noel Reyes, spokesman ng D.A, kakapusan sa suplay ang dahilan ng mataas na presyo ng isda.
Tinukoy ni Reyes ang fishing ban sa Palawan at Zamboanga na ipinatupad dahil panahon ngayon ng pangingitlog ng mga isda doon.
Mataas rin anya ang demand ngayong Christmas Season maliban pa sa malamig ang karagatan kaya’t lumalayo ang mga isda.