Kumikilos na ang Department of Agriculture (DA) para maagapan ang pagkaubos ng tawilis na itinuturing na ngayong endangered species.
Ayon sa DA, kabilang sa pinag-aaralang ipatupad ay ang paglalagay sa fishing enclosure sa mga isdang tawilis at ang pagkakaroon ng tawilis reserve.
Bukod sa tawilis, sinabi ng DA na maging ang pang masang isda na galungong ay bumababa na rin ang produksiyon dahilan para magmahal ito sa merkado.
60 porsyento na lamang ang dami ng nahuhuling galunggong nuong nakaraang taon kumpara sa mga nahuli nuong nakalipas na panahon.
May mga ipinatupad nang paraan ang DA para mapigilan ito tulad ng fishing ban sa panghuhuli ng galunggong sa itinakdang mga buwan upang bigyang daan ang panahon ng kanilang pagpaparami.