Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na ang pagtatanim ng hybrid rice ay isa sa mga solusyon upang maiangat ang rice productivity sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, target nila itong maisagawa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Ito rin aniya ay alinsunod sa programang ‘Masaganang Ani 200′ ng ahensya.
Positibo din si Piñol na malaki ang maitutulong ng Hybrid Rice sa pagpapalaki ng ani at kita ng mga magsasaka.
Plano ng DA na taniman ng hybrid rice ang isang milyong ektaryang lupang sakahan sa iba’t ibang panig ng bansa.
—-